mga pagmumuni ni carmen


pebrero atrese
2008 February 14, 12:10 am
Filed under: panitikan

Hindi ako papayag na hindi na ako ang paboritong manunula ng aking kapatid. Kaya luvee para sa iyo nag-effort ako nang bakasakaling mabawi ko ang aking trono!

Pebrero Atrese

Bulaklak ang sumambulat sa akin

sa pagbaba ko sa tren sa Ayala station

na daig pa ang NAIA

sa dami nang nag-aabang.

Bulaklak na hawak ng mga binatang manliligaw

suot ang T-shirt nilang kasing pula ng mga rosas

ngunit hindi kasing pula ng pisngi

ng dalagang pag-aalayan.

Bulaklak na hawak ng mga babae sa isa nilang kamay

habang ang isa ay mahigpit na nakakapit sa bisig ng nobyo

na minsan lang sa isang taon kung bumawi.

Bulaklak na hawak ng mga mister sa magkabilang kamay,

isa para sa misis nang hindi mabisto,

isa para sa naghihintay na number two.

Sa akin walang bulaklak na sumalubong

kundi talulot na nagmistulang kumot

ng kotseng minaneho ko mag-isa

sa maluwang na landas pauwi. 


2 Comments so far
Leave a comment

awwwwwwww!

Comment by mrpawikan

pwede?! :P

Comment by mameng




Leave a comment
Line and paragraph breaks automatic, e-mail address never displayed, HTML allowed: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <pre> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>