firsts
No Comments Yet so far
Leave a comment
2008 May 6, 1:20 am
Filed under: (mis)adventures, kababawan | Tags: ate malou, atv, bora, bugcar, sea air
Filed under: (mis)adventures, kababawan | Tags: ate malou, atv, bora, bugcar, sea air
After ten years (literally!), muling nakaapak ang bago kong pedicure na paa sa maputi at pinong buhangin ng Boracay.

Isa itong milestone sa aking buhay sapagkat madaming firsts ang nangyari:
- First time kong sumakay sa Sea-Air! In all fairness, ang galing ng customer service nila kasi talagang miya’t miya e tinatawagan nila si Nelli para kamustahin ang kalagayan namin.
- First time kong magsuot ng bikini! Naisip ko kasi na sa edad kong ito e it’s now or never. Kelan pa? Pag may anak na ako? Keber ko ba kung may bilbil ako o stretch marks o peklat…let he who doesn’t have love handles cast the first stone!
- First time kong mag-ATV! Nakakatawa kasi sigaw kami nang sigaw ni Nelli. Sabi nga nung isang mamang naka-motor, mukang enjoy na enjoy kami. Paano, yun na yata ang pinakamalubak na daan sa balat ng lupa! Daig pa ang service road sa kalagitnaan ng tag-ulan! Nung pababa na, ako na ang nag-drive ng bugcar kasi gusto ni Nelli magsolo sa ATV. Nakisakay sa akin si Clark, ang aming guide, at dahil nalo-lonely ako na sumigaw mag-isa, tinanong ko kung pwede niya akong sabayan. In fairness, sinabayan nga ako ng lolo! Talk about customer service! Or talga atang napapasigaw siya dahil sa aking driving skills. Nang makarating na kami sa shop, tinignan niya ako sabay wika, “Ngayon ko lang naranasan ang ganyan!”
- First time kong mag-flying fish!! Nagsuot ako ng dilaw na damit para madali akong makita sakaling mahulog sa dagat. Chinika ko din si Kuya Lance, yung boatman/lifeguard, para bantayan ako. Ang saya pala nun!! Medyo mahigpit yung kapit ko kasi ayaw kong mahulog. Kahit saan na ako mag-landing dun sa raft, basta wag lang talaga sa tubig. Nung bandang huli hindi na nga ako nakakapit–nakayakap na ako dun sa fish! Tawa nga sila nang tawa. Well at least hindi ako nahulog. :)
Leave a Comment
No Comments Yet so far
Leave a comment
Leave a comment
Line and paragraph breaks automatic, e-mail address never displayed, HTML allowed:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <pre> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>