Sa sobrang init, pinagpapawisan ako kahit sa simpleng akto ng pagkamot sa ilong. Sa sobrang init, hindi na tumitigas ang ice cream namn sa freezer at nagmimistulang na lamang chocolate milk. Sa sobrang init, buong araw nakababad ang aking mga kapitbahay sa kanilang swimming pool habang nagpapatugtog ng Justin Bieber. Sa sobrang init, ginawang swimming pool ng mga langgam ang bote ng Gatorade na naiwan sa la mesa ko. Mabuti na lang tinignan ko muna yung tubig bago ko inumin! On second thought, dapat tinungga ko na lang din pala. Diba nakakaganda daw ng boses ang pagkain sa langgam?
Advertisement

Love the girrafes! LOL!
thanks! i love `em too