Tag Archives: boo

oh my gulay!

26 Feb

Kagabi kumain kami sa Oh My Gulay. Ang hirap pumili!! Walang biro, gusto kong tikman lahat ng nakasulat sa menu. Parang ang sasarap kasi ng mga ulam!!

Minamataan ko yung kamatis pasta, primadonna at pasta mestiso habang si Nelli naman, naintriga sa kabute pasta. Nang dumating yung waitress, tinanong siya ni Nelli kung masarap yung kabute.

We were half-expecting na ibui-build up niya yun o kaya nama’y magre-recommend na lang ng ibang dish in a diplomatic way. Pero hindi namin akalain na diretsahan niyang sinagot si Nelli na: “Hindi.”

” Ay ganun?! Hindi masarap?!” sabi ni Nelli, na mahilig sa mushrooms.

“Oo, hindi ko type. Pati madaming customers, hindi nila inuubos yan,” ang walang-keme niyang sagot.

In fairness, honest ang lola! Kaya in-order na lang namin ang primadonna, kamatis pasta (recommended by KC), pasta mestiso, eggplant parmigiana at waldorf salad. Nag-hot chocolate ako para mainitan habang dayap iced tea at lemonada naman ang in-order ni Nelli at Booster.

Habang hinihintay ang pagkain, nag-picturean muna kami. Ang ganda kasi ng decor, na hindi naman nakakagulat dahil pagmamay-ari pala yun ni Kidlat Tahimik. Sa sobrang aliw namin sa kodakan, di namin namalayan ang oras at nagulat kami nang biglang sumulpot si Ate dala ang iilan sa mga in-order namin. “Tama na yan, andito na pagkain niyo,” sabi niya.

Hindi kami nabigo sa mga potaheng irinekomenda ni Ate. Sobrang sarap!!!! Napaka-crispy ng fresh vegetables ng Primadonna pasta ni Nelli–baby corn, onions, bell pepper at brocolli. Kuha lang ako nang kuha mula sa plato niya dahil sarap na sarap ako sa texture at lasa ng gulay.

At ang sarap ng kamatis sa kamatis pasta ko!

Sayang lang at walang soup sa menu nila. Yun na lang ang kulang. Nakakabusog ang kanilang servings at pagkatapos naming kumain–oh my gulay! Sobrang bundat na kami!

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.