Tag Archives: GMA

zte trial

19 Feb

Nagsimula na ang ZTE trial. Kaakibat nito ang pagsisimula ng character assassination ni Abalos (na mukhang dubious) kay Lozada (na mukhang nagsasabi naman ng totoo pero parang may tinatago at hindi din naman ganun kabanal).

Kung totoo daw na binantaan ni Abalos si Lozada at sinabing papatayin niya ito kung magpakita ito muli sa Wack-Wack, bakit daw bumalik pa ito sa naturang country club kung talagang takot siya para sa buhay niya? At paano daw afford ni Lozada ang membership dun gayong may kamahalan ito?

Baka naman talagang masarap lang ang hamburger (read: ham-bor-dyer) sa resto kaya hindi mapigilan ni Lozada ang sarili niya na mag-order para sa kanya at sa pamilya niya sa kabila ng banta sa kanyang buhay. Na-curious tuloy ako.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.