Tag Archives: kapuso

coffee prince

8 Feb

Kanina, nung nalaman nung taxi driver na sa GMA ako magpapahatid, sinabi niya sa akin na nanonood siya ng “Coffee Prince.” Natuwa naman ako kasi paborito ko din yun! Ayun, nag-click kami at nagkwentuhan lang tungkol sa kagandahan nung palabas.

Ang galing ng kwento. Si Andy, kailangan ng trabaho kaya nagpanggap na lang siyang lalake para lamang matanggap sa Coffee Prince, na mina-manage ni Arthur. Ayun, di nagtagal nahulog din ang loob niya kay Arthur pero nahihirapan siya kasi hindi niya magawang aminin na babae talaga siya. Kamusta naman yun!

Natutuwa ako sa conce[t kasi ang galing kung gaano ka-subtle nila ni-reverse yung gender roles. si Andy, nagmimistulan talagang lalake hindi dahil sa kung paano siya manamit kundi kung paano siya kumilos. Siya yung handang magtapat at manuyo. Siya yung nagpupursige at gumagawa ng paraan para magkasama sila.

Hetong si Arthur naman, pakipot. Ang labo din kung dumiskarte–minsan nilalambing niya, minsan naman hindi. Tikom ang bibig tungkol sa kanyang nararamdaman. Maria Clara, kumbaga.Sabagay, hindi naman tibo si Maria Clara at never naman siyang nagkagusto sa ibang babae. Di mo nga naman masisisi kung bakit takot si Arthur gayong alam niyang lalake si Andy! Kung ako siya, malamang maprapraning din ako kung nararamdaman kong nahuhulog na ako sa kapwa kong lalake! Nakupo ang hirap nun! Talaga namang pipigilin mo ang sarili mo pero paano mo nga ba makakalimutan ang taong lagi mong nakikita kahit sa panaginip? (yuck ang cheesy ko..haha!)

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.