Tag Archives: nmi

Protected: how to save a life

4 Mar

This post is password protected. To view it please enter your password below:

injured!

1 Mar

Kanina nagkaroon ng firedrill sa office. Bilang mother hen ng aking team, sinigurado ko munang nakaalis na sila bago ako kumilos. Grabe, di din biro bumaba mula sa ika-12 na palapag!

Na-excite ako nang kinalabit ako ni Nelli at tinuro ang mga bumberong kararating lamang. “Uy! Talagang may tubig!” sabi niya.

Naki-usyoso ako pero di ko napansin na mababa lang pala ang window frame.

BUUUUUG!

Sa sobrang pagmamadali, bumangga yung ulo ko sa pader! At sa sobrang lakas ng impact, talaga namang nangibabaw yung tunog sa kabila ng boses ng mga tao at sa alarm. Grabe ang sakit! In fairness naman kay Nelli, tinignan muna niya kung dumugo yung noo ko o may sugat bago siya tumawa. At in fairness naman sa nurse, inusisa din niya yung ulo ko bago niya sinabi na dapat hindi ko daw labanan ang pader. Binigyan niya ako ng ice pero wala naman akong panyo. Sabi niya humiram na lang daw ako sa mga boys sa office pero sabi ko ayaw ko kasi baka puro pawis lang at uhog yung panyo niya. Dahil natawa siya sa akin, naghanap siya ng bimpong pinahiram niya sa akin.

Feeling ko engot ako habang naglalakad ako na may improvised icebag sa noo. Pagka-akyat ko, tinanong nila agad kung anong nangyari sa akin.

“Na-injure ako sa firedrill,” ang madrama at paawa-effect kong pahayag.

“Okay ka lang?!” tanong nila.

“Oo pero kelangan ko ng ice cream,” sabi ko sa aking pinaka-pathetic na voice. Unfortunately, walang kumagat.

Sabi ng nurse na magkakabukol daw ako bukas. Napaka-negang babae! Sana hindi siya magdilang anghel!

Lesson of the day: Curiosity is hazardous to one’s health!

panalong hirit

29 Feb

Panalong hirit ni Mike, na sa pagkapatok e na-standing ovation pa ng mga boys:

“Para kang website…ang daming nali-link sa iyo!”

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.