Nung Biyernes, nagtatalo kami ni Boo kung anong ibig sabihin pag umuulan habang sumisikat ang araw. Sabi niya may ipinapanganak daw na tikbalang. Ang turo naman sa akin e may ikinakasal na tikbalang. Sumang-ayon sa akin si Nelli pero muli kaming nagtalo nang pinag-isipan namin kung ano o sino nga ba ang bride/groom ng tikbalang. Alam ko talaga sabi ng yaya ko diwata.
“Pero papaano naman dadami ang tikbalang kung diwata ang asawa niya?”
“Bakit ano ba alam mo?”
“E di kapwa tikbalang din yung asawa.”
“Hello, hindi kaya pwede yun! Half man half horse nga e. Unless by half man e you mean girlaloo.”
Hanggang ngayon hindi pa din kami magkasundo kung ano nga ba talaga.
Help?