Kanina, nag-meeting uli kami sa Starbucks. Sa sobrang lamig, naupo kami ni Boo sa labas habang pinag-uusapan ang mga plano naming summer projects. Nabigla ako nang tanungin ako ng guard: “Kayo po ba si Cara?”
“Ay ako nga yun,” sabi ko sabay ngiti.
“May gustong mangamusta sa iyo,” sabi niya.
“Ah talaga?? Sino??” excited kong tanong.
“Yung isang barista diyan, si RB,” sabi niya. Yun yung crush ko! Yeee!! Pero di naman ako kinausap. Sabi ko na lang sa sikyo na sa araw-araw kong andun sa branch na yun dapat may libre na akong pagkain. Sasabihin daw niya. Sana banoffee!! Sobrang adik kasi ako sa banoffee pie nila na nasusuya na si Nelli para sa akin. Pero ang sarap kasi!