Tag Archives: wii

prince of persia

19 Feb

Pagkatapos kong karirin ang RE4, Prince of Persia naman ang target ko. Medyo nakakalito lang kasi nasanay na ako sa point and shoot ni Leon. Dun kasi, hindi ka na mag-iisip–basta dapat lagi ka lang listo kasi may susulpot na kalaban pero bukod dun, sugod ka lang nang sugod. Syempre may kasama ding strategy para madami ang mapatay at hindi ka mamatay pero yun lang. Masarap laruin kasi tira ka lang nang tira at napaka-satisfying ng feeling pag naka-headshot!

Sa Prince of Persia naman, medyo iba yung gameplay. May pagka-brutal din ang stealth kills pero hindi masyadong madugo at graphic yung mga fight scenes. Steady lang. At ang likot niya! Minsan nga nahihilo ako sa camera. Iba yung strategy na kailangan–iisipin mo pa kasi kung saan ka tatalon, kung paanong style yung gagawin mo para makarating sa dapat mong puntahan.

Naglalaro ako habang nanonood si Daddy at inip na inip siya kasi talon ako nang talon–hindi ako makatungtong dun sa beam na dapat. Hindi kasi uso yung pintuan sa larong yun–biruin mo may pagka-acrobatic yung bida at kung saan-saan siya tumatalon at kumakapit at lumalabitin. Palibhasa nasanay na si Dad sa fast-paced action ni Leon kaya feeling niya babandying-bandying hetong Prinsipe ko. Siguro kaunting practice pa–kailangan ko maging listo para exciting. Hanggang ngayon nasa may tutorial pa din ako!

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.